102

Pia Wurtzbach, judge sa 2017 Miss Universe

Sharing is caring!

Muling masisilayan ang ganda ng 2015 Miss Universe na si Pia Wurtzbach sa gaganapin ngayong taon na 66th Miss Universe pageant.

Isa si Pia sa napiling maging hurado sa bagong kokoronahang Miss Universe 2017 sa Planet Hollywood sa Las Vegas, Nevada sa Nobyembre 27 (Manila time).

Kasama ng Pinay beauty queen sina 1998 Miss Universe Wendy Fitzwilliam, TV personality Ross Matthews, Venezuelan-American Internet personality Lele Pons, TV host at makeup artist Jay Manuel at sports host Megan Olivi sa mga hurado na pipili ng susunod na reyna sa paglipat ng korona ni reigning Miss Universe 2016 Iris Mittenaire ng France.

Susubuking pataubin ng pambato ng Pinas na si Rachel Peters ang mga ‘manok’ ng 93 iba’t ibang bansang kasali sa paligsahan upang masungkit ang korona ng 2017 Miss U.

Si Steve Harvey, na naging popular nang magkamaling ianunsiyo si Pia bilang first runner-up imbes na winner sa 2015 Miss U, ay magbabalik bilang host ng pageant.

Maging si Ashley Graham ay muling tinapik bilang backstage host ng event.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?