13

Dec 26, 2020 @ 13:20

Pia Wurtzbach, Jeremy Jauncey merry ang Christmas!

Sa unang pagkakataon ay sabay na sinalubong nina Pia Wurtzbach at Jeremy Jauncey ang pasko.

Oras bago sumapit ang Disyembre 25, nag-post ng litrato ang Scottish businessman sa kaniyang Instagram na may caption “Merry Chirstmas! No doubt its going to be a little different for us all this year but wishing you a happy, healthy festive period with the people you love- in person if possible and through technology if not.”

Itinuring ng dalawa na espesyal ang kanilang pasko ngayong taon sa kabila ng pandemya dahil sila ay magkasama.

Hindi rin nakalimutan ni Jauncey
ang kaniyang ina na nasa Scotland at kapatid na nasa Mexico dahil ipagdiriwang nila ang pasko sa pamamagitan ng FaceTime.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?