12

Jan 21, 2021 @ 16:13
By

Pia Wurtzbach: It’s okay not to be okay

Inamin ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach na nakaranas siya noon ng depresyon.

Sa isang Instagram game na “True or False,” tinanong ang beauty queen kung nakaranas na ba siya ng depresyon.

“This is true,” tugon ni Wurtzbach.

“I’ve gone through some lows in my life. We shouldn’t be embarrassed to share that. Kahit naman sino may pinagdadaanan,” dagdag pa niya.

Aniya, may mga pagkakataon din na hindi siya naging okay.

“May mga naging moments din ako na ‘di okay,” sambit niya.

“It’s okay not to be okay,” dagdag pa nito.

Noong nakarang taon nang kilalanin si Wurtzbach bilang ‘Woman of the Year’ ng isang Dubai-based magazine Xpedition.

Si Wurtzbach ang ikatlong nakasungkit ng koronang Miss Universe para sa bansa.

Una na itong nasungkit nina Gloria Diaz noong 1969 at Margarita Moran noong 1973.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?