23

Jan 14, 2022 @ 16:18
By

Pia Wurtzbach idiniin halaga ng bakuna, booster shot

“Siguro mas malala na ‘yung kalagayan ko.”

Ito ang sabi ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach matapos niyang kayanin ang COVID-19 dahil kumpleto siya ng bakuna laban dito.

Aniya sa kanyang Instagram Story, sinabi niya na kahit na siya ngayon ay negatibo na sa COVID-19, kailangan pa rin niyang magpagaling sa ilang sintomas nito.

“16 days now since I got covid and although I’m already negative I’m still managing some symptoms. Now I know some of you are thinking… ‘E kahit pala vaccinated ka, magkakasakit kapa rin e’ pero that is the wrong way to think about it,” saad ni Pia.

“Pano na lang kung hindi ako nagpa vaccine? Kung ngayon nga na vaccinated ako, walang comorbidity, healthy pero tinamaan ako ng ganito kalala, pano pa kaya kung pinili kong hindi magpavaccine? Siguro mas malala na yung kalagayan ko. Or worse,” dagdag niya.

“Kaya napakaimportante talaga na magpabakuna. If you’re reading this and you haven’t yet, please don’t delay. Walang pinipiling tao o edad ang COVID. Wag nyo nang irisk na ‘di naman malala yan’ e pano kung malala yung maging epekto sayo? Iririsk mo buhay mo?”

“Yes even with the vaccine you can still get COVID BUT you have a better chance of fighting it. At makakatulong ka pa sa mga frontliner ng mabawasan yung mga naoospital.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?