346

Dec 5, 2017 @ 13:02
By

Pia Wurtzbach humanga sa sobrang ganda ni Liza Soberano

Lahat ay agree o umaayon na si Liza Soberano talaga ang nagiisa at walang kakumpetensya pagdating sa ganda, hindi lang sa Kapamilya network, maging sa buong showbizlandia.

Ang pruweba ay ang close-up photo na pinoste nito sa sarili niyang Instagram wall na walang anumang pinu-promote na product si Liza na ini-endorso niya, na madalas niyang iposte sa IG wall niya.

Sa pagkakataong ito, mismong si Liza ay pinupuri niya ang natatangi niyang ganda at paghanga nito mismo sa kanyang mga mata.

@lizasoberano, “My caption really has nothing to do with this picture but has anyone ever seen brown eyes in the light? Like wit really good lighting. In the sun the color brown vanishes and turns into rays, golden rays of light. Creating its own image of a sunset. There’s absolutely nothing ordinary about brown eyes and I am damn lucky to have looked into a beautiful pair of brown eyes in the lifetime.”

Kung tutuusin, hindi ang mga mata ni Liza ang mapapansin sa larawan kundi ang kabuuang ganda nito mula buhok, noo, kilay, pilikmata, mata, ilong, front teeth, lips at baba. Pati ang buong hugis ng mukha nito

Wala kang maipipintas sa perfect beauty na ito ni Liza na nang ginagawa siya ng kanyang mga magulang, isang fairy godmother yata ang nagbasbas kaya siya lumabas na parang isang Dyosa.

No wonder kung bakit ayaw nang pakawalan ni Enrique Gil si Liza dahil walang katulad sa ganda ang rumored girlfriend niyang ito.

Ang beauty queen at Miss Universe 2015 na si Pia Wurtzbach na tinalo ang lahat ng pinakamagandang babae sa buong mundo, humanga kay Liza.

@piawurtzbach, “Sobrang ganda”.

@lizasoberano, “@piawurtzbach, No you are”, ang reply na comment naman nang susunod na Darna. (Rey Pumaloy)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?