104

Nov 25, 2019 @ 17:21
By

Pia Wurtzbach, hindi makakadalo sa Miss Universe 2019

Hindi makakapunta sa nalalapit na Miss Universe 2019 sa Atlanta, Georgia si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.

Sa kanyang Instagram post, naitanong ng netizen kay Pia kung may tiket na ito sa beauty pageant na magaganap sa December 9.

Ani Pia, dahil sa prior commitments para sa kanyang travel show ay hindi siya makakapunta.

“I will not be watching Miss Universe this year,” ani Pia.

“My travel show was invited by the tourism board of japan to feature a festival in Fukuoka. Our working visas were released already before MUO announced the date and venue. MUO invited me to be backstage host with CHI and I really want to!” paliwanag ni Pia.

“But it would also be impolite for me to cancel my trip to Japan. Government invitation yun. At may mga visa na kami. Sayang. If I had known sooner baka nagawan ko pa ng paraan,” dagdag pa niya.

Si Gazini Ganados ang magre-represent sa bansa sa taong ito na Miss U.

Target niyang magka-back-to-back crown ang Pilipinas matapos tanghaling Miss Universe 2018 si Catriona Gray.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?