62

Jan 21, 2021 @ 21:17
By

Pia Wurtzbach gustong magpabawas ng malaking boobs

Kung ang ibang kababaihan ay nagpaparetoke upang lumaki ang kanilang boobs, inamin ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach na ginusto niya noong magpatapyas ng kanyang “papaya”.

Kinumpisal ni Pia sa “True or False” segment sa kanyang Instagram Stories ngayong Huwebes na habang lumalaki ay naging insecure siya sa kanyang pangangatawan dahil sa malaki niyang boobs.

“Bata pa ako nai-insecure talaga ako sa katawan ko, especially dito,” ani Pia na tinutukoy ang kanyang dibdib.

“Kasi siyempre inaasar ako sa school, ganyan. Nahihiya ako. Pero as I got older, I learned how to be more confident,” patuloy niya.

Dahil dito, may pagkakataon daw na naisip niyang pabawasan ang kanyang boobs.

“There was a time when I was much younger na I was thinking about it (pabawas ng boobs). But then hindi ko siya tinuloy kasi nalaman ko na malaki ‘yung mga scars na maiiwan niya. So buti na lang,” aniya.

Ngayon ay tanggap na tanggap na raw niya ang kanyang katawan at natutuwa siyang hindi nagpadaig sa kanyang insecurities.

“I also realized na ‘di ako dapat magpaapekto sa mga sinasabi ng ibang tao. So I accepted myself na lang. Be confident with your bodies! I’m glad I didn’t let my insecurities get to me,” dagdag ng beauty queen.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?