76

By

Pia Wurtzbach dedma sa ‘panlalaglag’ kay Rachel Peters

Sharing is caring!

KALOKA ‘yung pinag-isipan talaga ng netizens si Pia Wurtzbach na dahil magkaiba sila ng management ng Miss Philippines na si Rachel Peters ay ayaw raw nitong panalunin ang huli sa nakaraang Miss Universe Pageant.

As in, pinagbibintangan ng ilang netizens na napaka-passionate sa paniniwalang dapat nakapasok man lang si Rachel sa Top 5. Na itong si Pia raw bilang isa sa mga judge, nilaglag talaga si Rachel para hindi siya masapawan, huh!

Mababaw ang mga akusasyon kay Pia kaya siguro ang huli, kahit may mga ganung comments ang ilang Pinoy sa kanya, hindi na rin naman niya pinatulan pa.

Instead, nag-post si Pia sa kanyang Instagram account ng pagbati sa nanalong Miss Universe na si Miss South Africa at gayundin ang Miss Universe 2016 na naging kaibigan na raw niya.

At si Rachel na ipinagmamalaki raw niya ang narinig na sigawan ng mga Pinoy para rito. Aniya,

“Thank you for making us proud. Sitting on the other side, it was so nice to witness a Miss Philippines perform and have the loudest cheer in the crowd. Keep your head up. We’re all so proud of you.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?