41

Jun 20, 2020 @ 17:19

Pia willing makipagbati kay Bea

NI: ALWIN IGNACIO

Lalaki ang dahilan kaya natuldukan ang pagiging magkaibigan nina Bea Alonzo at Pia Wurtzbach.

Ang lalaking salarin umano sa nasirang pagsasamahan ng dalawang bathaluman, si Gerald Anderson. Hindi na natin kailangan pang mag-flashback, look back at mag-throwback kung ano ang ginawa diumano ni Anderson.

Wala na rin naman ang lalaking iyon sa buhay ni Bea. At si Pia, may bago na ring lalaki in the person of Jeremy Jauncey. Si Alonzo ang wala pang nababalitaang bagong jowa.Mukhang matatagalan pang maglulundag at magsisigaw ng walang sound ang kanyang puso dahil sa kilig na dulot of a new love.

Ayon sa mga satsatera, willing and able na ang Ms. Universe 2015 na let bygones by bygones sa kanila ni Alonzo basta gusto nito na magkaayos sila. Para kay Pia, lalo na nga’t she in a happy place, handa itong buksan muli ang kanyang puso sa kanyang kaibigan na siguradong miss na miss niya na rin.

Feeling magnanimous at mas emotionally healthy and mature nga ba si Pia and is Alonzo feeling the same way as well?

Magkakapatawaran na nga ba ang dalawang dilag? Parang nakakatuwang ma-imagine ang dating nagkatampuhan ay maayos na naman . Kay saya sigurong pagmasdang ang mga maririkit na ito habang nagco-compare notes tungkol sa lalaking they used to be close with.

Kung talagang nakatadhana na magkaayos ang dalawa, mangyayari ang dapat mangyari. Huwag nating pangunahan sina Pia at Bea.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?