166
Pia sa store owners: 'Wag bentahan ang mga bata ng alcopops
Aug 21, 2019 @ 19:00
By

Pia sa store owners: ‘Wag bentahan ang mga bata ng alcopops

Nanawagan si Senadora Pia Cayetano sa mga may-ari ng tindahan na tiyaking hindi makabibili ang mga bata ng flavored alcoholic drink na “alcopops”.

“I’d like to give them that opportunity to do what is morally right. So sana gawin nila, the store owners themselves, if pwede akong manawagan sa mga store owners, can you at least check all these all products that [are] meant to be sold to adults are only sold to adults,” sabi ni Cayetano sa Kapihan sa Maynila kanina, Agosto 21.

Ayon sa senadora, Chair ng Senate Ways and Means Committee, hirap umano ang mga kahera ng mga grocery, supermarket at iba pang tindahan na mahiwalay ang “alcopops” dahil maliit at makulay ang packaging nito.

“Lahat naman tayo nag-go-grocery. O baka nasama si alcopops, Makulay yan. ‘Yung kahera, do you think ma-di-distinguish niya ang alcopops ito. Swipe ka lang kasi nang swipe nung product,” sambit ng senadora.

“Kaya nanawagan ako, because we cannot fix the problem of our country if we only rely on government. I want our business owners themselves to show that they will contribute to what needs to be done,” pakiusap pa ng mambabatas.

Pagpapaliwanagin naman ni Hontiveros ang distributors at sellers ng alcopops dahil sa unethical at illegal marketing schemes na ginagamit nito para mahikayat ang mga kabataan na bumili ng nasabing produkto.

Sa naunang pagdinig sa Senado, ibinunyag ng Department of Finance na mahigit P69 milyon ang ginastos ng mga Pinoy sa ‘alcopops’ noong 2018, na halos doble sa P30 milyon nakonsumo noong 2017.

Sabi ni Cayetano, ang isang brand ng alcopops ay may pitong porsiyentong alcohol sa kada 200-ml pack.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?