80

Aug 30, 2019 @ 16:25
By

Pia sa alcohol industry: Huwag takutin ang publiko sa sin tax!

Umapela si Senadora Pia Cayetano sa lahat ng alcohol industry players na iwasang magbigay ng maling impormasyon sa publiko tungkol sa pagtaas ng buwis sa inuming nakalalasing.

“When we’re talking about [taxing] sin products, please do not scare the people into thinking that what [the government is] trying to do is harmful to the Filipino people,” ayon kay Cayetano.

Noong Huwebes, muling tinalakay ng Senate ways and means committee na pinamunuan ni Cayetano ang isang panukala na naglalayong dagdagan ang buwis sa alcohol at e-cigarette products (Package 2+ of the Comprehensive Tax Reform Program o CTRP).

Sa nasabing pagdinig, ang mga pinuno ng industry ay binigyan ng oportunidad na magpresenta ng kanilang posisyon sa panulang pagtataas ng buwis sa produktong alcohol para mapunan ang pondo ng gobyerno para sa Universal Health Care program.

Sinabi ni Distilled Spirits Association of the Philippines President Olivia Limpe-aw na ang pagtataas ng buwis sa kanilang produkto ay isang pagtanggal sa kasiyahan ng mahihirap na Pilipino.

Subalit giit ni Cayetano, malaki naman ang epekto nito sa kanilang kalusugan.

“I would often hear, ‘Do not deprive the poor of the things that make them happy,’ supposedly alcohol and cigarettes. That is such a sad, sad fact. Because in the long run, that is what causes them so much misery,” sabi ni Cayetano.

“If it is our goal to become an upper-middle income country, can we not leave our poor with this kind of happiness [harmful vices like smoking and excessive drinking]? Can we offer them instead a better kind of happiness, including educating them as to the right choices they could make?” tanong pa nito.

Binalaan pa nito ang industry players sa pagpapalabas ng maling impormasyon na maraming mawawalan ng trabaho kapag itinaas ang buwis sa produktong alcohol.

“If you’re going to say that there’s X amount of people to lose jobs, then I am going to dig up all the figures to show how many families are affected by the same sin products — how many deaths, how many battered women, how many neglected children,” ayon pa sa senadora.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?