35

Jan 7, 2022 @ 13:18
By

Pia nagka-Covid matapos magpuntang UK

Pagkatapos magdiwang ng holiday kasama ang kaniyang pamilya sa United Kingdom, inamin ni Pia Wurtzbach na positibo siya sa COVID-19.

Sa Instagram, nilinaw ng beauty queen at aktres na kahit na fully vaccinated siya at nay booster shot din, nahawa pa rin umano siya ng Coronavirus.

“I caught COVID here in the UK even though I’ve been fully vaccinated & received my booster shot already,” pahayag ni Pia sa kaniyang Instagram.

Aniya, kahit na malusog ang kaniyang pangangatawan ay nagkaroon pa rin ito ng virus. Nararanasan din umano niya ang lahat ng sintomas.

“Kumpleto din ako ng flu & pneumonia vaccines. I eat healthy & I’m active, but I still got it. I got all the symptoms too. Fever, sore throat, body pain, runny rose, cough, & I also lost my sense of smell & taste,. It’s not like a regular cold or flu that goes away after a few days. I’ve never been sick for this long, which lasted more than a week,” saad pa nito.

Ani Pia, isang araw na lang para matapos na ang kanyang isolation kasama ang kanyang kapatid na si Sarah, na nagpositibo rin sa coronavirus.

Dagdag pa niya, nagpapasalamat siya sa Panginoon dahil hindi nahawa ang kaniyang mga magulang sa kanilang magkapatid.

Samantala, pinaalalahanan din ng beauty queen ang publiko na mag-ingat pa rin dahil sa banta ng COVID-19.

“I don’t wanna sound preachy but let’s not be selfish & go breaking protocols, hoarding supplies, refusing to get tested and vaccinated.”

https://www.instagram.com/p/CYaU-WHPCo5/?utm_medium=copy_link

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?