26

Oct 5, 2021 @ 15:54
By

Pia Magalona may hiling kay Francis M.

57 anyos na sana si ‘Master Rapper’ Francis Magalona kung nabubuhay pa siya ngayon.

Bilang pagdiriwang sa kanyang kaarawan, nagbigay ng mensahe ang kanyang naiwang misis na si Pia at humirit ng hiling sa yumaong mister.

“Happy Birthday, FrancisM. I dedicate my comeback to IG in commemoration of the day you were born, back in 1964,” panimula niya sa kanyang throwback post sa Instagram.


“Times have truly changed (for the worse) and especially for our country that’s been hit hard not just by the pandemic but by the current situation we are in because—believe it or not—they’re back!” dugtong niya.

“The ones you wrote those songs for: about injustice, inequality and the abuse we grew up with. Where is the love, we asked, for the Filipino people BY the Filipino people??”

Ani Pia, kasama na rin ng kanyang mister ang kanyang ina at mga magulang.

Hiling niya, nawa’y protektahan sila ni ‘Kiko’ mula sa ‘dark side.’

“Happy birthday, FrancisM. Pls work your magic from up above and protect us, especially your dear children and grandchildren, from the dark side,” saad niya.

“We love you and all the cherished memories we shared, deep in our hearts.”


Taong 2009 nang masawi ang rapper sa edad na 44 dahil sa acute myeloid leukemia.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?