176

Sep 19, 2020 @ 12:09
By

Pia Magalona kay Joseph Morong: Nahatak ka na ba sa dark side?

Nagtaka si Pia Magalona sa naging tweet ng GMA-7 reporter na si Joseph Morong kung saan sinabi nitong ang art na ginawa para sa pera ay hindi tunay na art.

Tinanong ng biyuda ni Francis M kung na-hack ba social media account ang journalist, at duda rin na posibleng social experiment lang ito ng Kapuso reporter.

Hindi rin maiwasan ni Pia na tanungin si Morong kung nahatak na ba ito sa dark side dahil sa tilang patama sa mga artist.

 

 

Sumagot naman si Morong sa nasabing tweet ni Pia at sinabing hindi niya intensyon na ma-offend ang sinuman sa kanyang tweet.
“Testing the statement Ma’am. Was in a discussion with a friend last night. Didn’t mean any offense,” sagot ng mamamahayag.
Pinaliwanag din ni Morong na nag-ugat ang kanyang pahayag sa naging pag-uusap nila ng kanyang kaibigan na gumawa ng proyekto, at nakakuha ng grant mula sa isang institusyon.
Ngunit nadismaya ang kanyang kaibigan ng hindi matuloy ang nasabing grant, at dito nila naisip na tanging ang artist lang ang makakagbigay ng halaga sa kanilang gawa at hindi ang ibang tao.

“Didn’t mean to diminish struggling artists. I believe that even when the artpiece is sold, it still comes with it, the passion and the soul of the artists,” lahad ni Morong.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?