46

Jul 3, 2020 @ 13:11
By

Pia Magalona: ABS-CBN pinag-iinitan, pinatatahimik

Nakiisa si Pia Magalona, balo ng nasirang rapper na si Francis M, sa protesta ngayong araw sa Commission on Human Rights para ibalik ang ABS-CBN.

“Bakit ang network that’s trying to maintain global standards yung pinag-iinitan? We’re not stupid. Pinatatahimik lang talaga,” bigkas ni Pia, sa ulat ng Altermidya.

“We must fight not just for ABS-CBN but the Filipino people,” aniya pa.

Nakaranas ng isa na namang shutdown ang ABS-CBN matapos ipatigil ng National Telecommunications Commission ang operasyon ng Channel 43 (Sky Direct) at TV Plus.

Giit ng NTC, kasama sa pinasara nila noong Mayo 5 ang digital platforms ng Kapamilya network.

Pero depensa ni ABS-CBN CEO at President Carlo Katigbak, ang Kapamilya Channel ay pinapalabas sa AMCARA Channel 43 na aniya’y hindi pagmamay-ari ng network at nasa ilalim ng block-time arrangement, kung saan bumili sila ng airtime para maere ang kanilang mga programa.

Mayo 5 tinigil ng network ang free TV at radio operations ng ABS-CBN.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?