By

Pia, kinondena ang pagkabulgar ng ‘identity’ ng 11 na bakla sa PDEA drug-bust

Sharing is caring!

Kinondena ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach ang paglabas ng mga pagkakakilanlan kamakailan lang ng nahuling 11 gay men sa isang drug-bust operation.

Idinaan ni Pia sa kanyang Instagram account ang pagtutol sa media at public expose ng mga nasabing pinaghihinalaan lalo na ang pagturong isa mga ito ay isang HIV positive.

Ang pagkondena ni Pia ay para ipagtanggol ang LGBT sa mapanghusgang tingin ng mga tao at ang posibleng maling impression na ‘krimen’ ang pagiging bakla.

@piawurtzbach, “Universe, listen to this. A few days ago a drug bust happened in a high scale hotel in Manila Philippines involving 11 supposedly gay men. Two of them were suspected of selling/distributing drugs. During the operation, the Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) found out that one of them was HIV positive. PDEA, ang local news outlets decided to expose their identities of these men to the media.

Their mugshots, names and the HIV status of one of them were released.

“Was this really necessary? I understand that what the men were supposedly doing was illegal and they should face legal consequences. But there was absolutely no need to expose and publicly shame them.”

Ayon kay Pia, labag sa batas ang ginawang paglalantad sa identity ng nasabing diumano’y HIV positive.

“…it’s illegal to publicly announce one’s HIV status (RA 8504). What has been has not only traumatized the men that were involved; it also worsen the HIV situation in the Philippines. We’re working so hard in educating the people properly on HIV/AIDS, on taking away the stigma.”

Ang isa pang punto ni Pia sa kanyang pagtutol sa expose ng mga nabanggit ay ang umiikot na impression ngayon ng ilan na magkadikit ang immorality, drugs at ang pagiging gay.

“…because of what PDEA and the news outlet have done, some people are now associating drugs and immorality being gay. It’s ridiculous. The whole point of this drug raid was to arrest men for their supposed crime which was selling/distributing and using illegal narcotics…”

Ipinagtanggol ni Pia ang kabaklaan mula sa panghuhusga ng ilan na ito’y isang krimen.

“Being gay is not a crime! Living with HIV is not a punishment! Come on Philippines. We are already taking small steps forward to improve acceptance, tolerance and understanding. We cannot take big steps back.

“TO PDEA and the news outlets, take steps to mend the situation. Sa aking mga kababayan, ‘wag po tayong maging judgemental. Hindi immoral ang maging bakla, hindi dapat itinuring na kaparusahan ang HIV. At lalong hindi ito biro na dapat pagpyestahan at pagtawanan. To my beloved LGBT community, stay strong. We’ll win this.”

Kilalang HIV/AIDS advocate si Pia bago pa man siya nanalo sa Miss Universe, ang mapalaganap ang awareness tungkol sa nasabing sakit, kung paano kokontrolin ang paglaganap nito at bigyan ng morale support ang mga taong HIV positive at ang mga may AIDS.

Matapos magbigay ng kanyang mensahe sa sumunod na pinutungan ng korona sa Miss Universe at papuri niya kay Rachel Peters sa performance at naging laban nito sa pageant, ang tungkol sa PDEA at ang expose ng mga identities ng 11 gay men, pati na ang HIV positive ang ipinanawagan niya sa kanyang mga socmed followings at netizen. (Rey Pumaloy)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?