343
pia-wurtzbach
Mar 25, 2018 @ 17:05
By

Pia, Gerald hindi magkasama sa Bohol

Sa bakasyon ni Pia Wurtzbach sa Panglao, Bohol, muling ibinuyangyang nito ang kanyang pang-Miss U na katawan with matching pa-cleavage pa, huh!

In her two-piece red swimwear, maraming kalalakihan ang nag-wish na sana sila na ang mga buhanging kumakapit sa curvacious body ni Queen P na talaga namang kahit lumaban muli sa Miss u ay kakabugin pa rin ang mga kalaban sa swimsuit competition, noh!

Sa kanya namang medyo close up shoot, nagmumura na naman ang kanyang cleavage na naging tatak niya noon sa kanyang pagrampa dahil sa umaalog-alog niyang dalawang papaya, devah?

Kaya siguro ‘naakit’ si Gerald Anderson sa kakaibang higop ng kaseksihang ito ni Pia? Echos lang!

Anyway, masaya talaga ang netizens na muling nagpapaandar ang Kapamilya actress dahil matagal na nila itong na-miss.

Marami ang nagtatanong kung sino ang ka-join niya sa vacay na ‘yun. Si Ge ba o si Marlon Stockinger pa rin ba? Siyempre hindi si Gerald dahil nasa Greece ito para sa show nila nina Ahwel Paz at Morisette.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?