31

Sep 13, 2021 @ 22:03
By

Pia dismayado, StaySafe hindi epektib sa contact tracing

Nagpahayag na pagkadismaya si Senadora Pia Cayetano sa contract tracing app na StaySafe dahil hindi naman umano ito nakakatulong sa contract tracing effort sa bansa.

Sa pagdinig ng Senate finance committee sa vaccination passport program sinabi ni Cayetano na nakakapagkolekta ng data ang digital contact tracing app na ito subalit na naman nakakatulong sa contact tracing efforts.

Sabi ng senadora, hindi umano nakakapag-execute ang application sa kanilang feature para makapagpadala ng text message para pumunta sa isang lugar kung may naitalang kaso ng Covid-19.

Tugon naman ni DICT Undersecretary Manny Caintic, nasa gitna pa sila ng pagsasayos ng interoperability at interconnectivity ng nasabing app.

Giit naman ni Cayetano, nangangahulugan umano ito na wala pang naitalang single digital contract tracing sa bansa.

Sabi pa nito, anim na buwan na umanong nai-turn over ang app sa DILG at wala pa rin umanong nangyayari sa StaySafe app na ito.

“It’s been six months but StaySafe has not done anything to do a single contact tracing. I don’t know what’s the point. I don’t know if it is serving the needs of the FIlipino people,” sabi ni Cayetano.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?