60

Oct 17, 2021 @ 15:33
By

Pia, Catriona sanib puwersa sa South Africa

Magkasamang rumampa ang dalawang Miss Universe na sina Pia Wurtzbach (2015) at Catriona Gray (2018) sa isang pageant sa Cape Town, South Africa.

Kasalukuyan kasi silang nandoon para sa Miss South Africa 2021 kung saan kapwa sila bahagi ng event.

Bukod sa dalawang Pinay Miss Universe, makikita rin si Miss Universe 2019 Zozi Tunzi na kasama nila.

https://www.instagram.com/p/CVDkSbbpYYn/?utm_source=ig_web_copy_link

https://www.instagram.com/p/CVGWImFJgYB/?utm_source=ig_web_copy_link

Nito lamang October 16 ginanap ang nasabing pageant na siyang mapapanood online sa kanilang website. (VA)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?