21

Oct 6, 2021 @ 15:31
By

Pia, Catriona eeksena sa Miss South Africa

Kinuha bilang isa sa mga miyembro ng selection panel sa Miss South Africa 2021 si 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach.

Inanunsyo ito ni Pia sa kanyang IG post.

“Join me on the 16th of October at 17:00 PM (SAST) Live from the Grand Arena @grandwessat. I am on the official selection panel of the Miss South Africa 2021 Finale which will be broadcasted Live on Mnet & Mzansi Magic,” saad sa caption ni Pia.

Samantala, bibida rin si Miss Universe 2018 Catriona Gray sa nasabing pageant bilang isa sa mga backstage host.

Kasama ni Pia sa selection panel ang iba pang mga beauty queen na sina Andrea Meza at Tamaryn Green.

Habang co-host naman ni Catriona si Miss Universe 2019 Zozibini Tunzi, na tubong South Africa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?