190

By

Pia, Alyssa magtatalbugan sa PBA opening day

Sharing is caring!

Bukod sa mga nagkikisigang manlalaro sa unang bulso ng 44th PBA Philippine Cup, dadagdag pa sa timpla ng opening day ang magagandang dilag para irepresenta ang bawat koponan sa liga.

Sa naging PBA press conference nitong Lunes, masisilayan ang mga Pinay beauty queen na magpapaganda ng gabi.

Ang Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach ang magiging muse para sa crowd darling na Ginebra San Miguel, samantalang ang sister team na San Miguel Beermen ay irarampa ang Miss International 2016 na si Kylie Verzosa.

Sali rin ang Mutya ng Pilipinas 2016 na si Aya Fernandez para naman sa NorthPort Batang Pier.

Maliban sa mga beauty titlist, ang mga athletic beauty rin ay magpapasiklab sa PBA opener.

Para sa Blackwater, ipapamalas ng 2016 Rio Olympian na si Jasmine Alkhaldi ang kanyang mala-sirenang ganda, habang hindi naman lumayo ang NLEX, ipaparada ang girlfriend ng kanilang guard na si Kiefer Ravena na si volleyball star Alyssa Valdez.

Mga kilalang artista naman ang ibibida ng tatlo pang koponan, ang GMA artist na si Klea Pineda para sa Alaska Aces, ‘Halik’ star na si Yam Concepcion, at nag-throwback naman ang Magnolia Hotshots na itatapat ang ‘Megastar’ na si Sharon Cuneta.

Hindi pa naman pinal ang magiging muse para sa TNT KaTropa, Columbian Dyip, Meralco Bolts at Rain or Shine Elasto Painters.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?