12

Aug 9, 2020 @ 21:10
By

Physical distancing sa bahay, posible ba?

Pinag-usapan ang naging pahayag ni Interior Secretary Eduardo Año matapos nitong himukin ang publiko na mag-physical distancing kahit nasa bahay.

Dahilan ng kalihim, ito’y dahil may ilang kasama sa bahay ang lumalabas dahil sa kanilang mga trabaho.
“Even if we are at home, we still have protocols and we still have physical distancing. Because you do not know where a member of your household went or came from,” saad ni Año.

Ngunit posible kaya itong mapatupad sa loob ng iisang bahay?

Ayon kay University of Utah Health chief medical officer Dr. Tom Miller, mahirap gawin ang physical distancing sa isang bubungan, na kung susundin ay ibig sabihin na kailangang magkaroon ng isang metrong pagitan sa bawat kasama sa bahay.

Lahad ni Miller, dapat ay maging maingat na lang ang publiko sa tuwing lalabas sila ng kanilang tahanan para kampanteng hindi mahawaan ang kanilang mga kapamilya.

“So if you live in a home with three or four children, it’s hard. It’s really hard to do that,” tugon ni Miller kung maaari ba ang physical distancing sa isang bahay.

“I think the important thing is to, again, really get it into everybody’s heads that when they leave the house, when they cross the threshold, they’re super aware of what the environment is like outside, because that’s the best way, when they come home to eat, to sleep, to engage with other family members, that they’ll be as safe as they can be,” aniya pa.

Sa depinisyon naman ng Centers for Disease Control and Prevention sa social distancing, ito ay ang paglayo ng six feet na layo mula sa mga tao na hindi kasama sa bahay.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?