8

Aug 11, 2020 @ 19:18

Physical distancing pagkatapos magtalik, fake news – DILG

Pumalag ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa paggamit ng ilan sa social media para magpakalat ng mga maling impormasyon.

Tugon ito ng DILG sa kumalat na pekeng post online kung saan pinayuhan umano ni DILG chief Eduardo Año ang mga magsing-irog na sumunod sa physical distancing matapos mag-sex ang mga ito.

Hindi raw kailanman naglabas ng ganoong pahayag si Año o ang DILG.

“We at the DILG are not inclined to make such false and malevolent claims, neither will we tolerate them. False and derogatory news like these intend to impugn the institution’s credibility and undermine the progress we have thus far accomplished in the fight for Filipino survival,” ani Año.

Iimbestigahan na raw ito ng DILG at nangakong pananagutin ang mga nasa likod ng fake post.

Samantala, sinabi ni DILG spokesman Undersecretary Jonathan Malaya na sisiyasatin din ng Criminal Investigation and Detection Group at Anti-Cybercrime Group ang nabanggit na isyu.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?