150

By

Phoenix susunod sa desisyon ni Kume

Walang balak ang Phoenix Pulse na kuwestiyunin ang desisyon ng PBA kay Calvin Abueva, pero may mensahe ang team para sa liga.

Higit sa P20,000 multa dahil sa pakikipagsagutan sa isang female fan at P50,000 sa flagrant foul 2, mas mabigat na parusa na indefinite suspension ang binigay ng PBA sa makulit na forward.

‘Di na magkokomento ang Fuel Masters sa hatol, pero sana raw ay maging batayan ito ng patas at parehas na desisyon sa mga kahalintulad na insidente sa hinaharap.

Ang statement ng Phoenix Pulse:

“While we do not agree with the decision, we have no alternative at the moment except to abide by it. We no longer wish to comment on the basis of the decision but just expect and hope that incidents like this in the future will be treated similarly and decided the same manner regardless of the player involved. This is already a decision precedent that should be used as a basis in deciding similar infractions.”

Tinawag daw na “bitch” ni Abueva si Maika Rivera, sinenyasan pa ng malaswa. Katwiran ng player, sumagot lang siya dahil una siyang minura ng girlfriend ni Blackwater rookie Bobby Ray Parks Jr. Nangyari ang insidente nooong Biyernes sa MOA Arena.

Sa hiwalay na pahayag, dinipensa ni commissioner Willie Marcial ang desisyon sa pagsasabing ginawa ito para maigiit ang disiplina at propesyunalismo sa liga.

“(Marcial) said that he can no longer allow Abueva to continue with his offensive and obnoxious on-court behavior against the fans and his fellow players, which the fiery player is known for,” anang PBA. “While some level of physicality is allowed during the games, violent behavior or unsportsmanlike conduct have no place in the PBA.”

Ang FF2 ni Abueva ay bunga ng clothesline na binigay kay TNT import Terrence Jones noong Linggo. Depensa ni Abueva, binayagan daw siya ni Jones bagay na ‘di nakita ng referee.

Bunga ng insidente, 11 players at team officials ang pinagmulta. Suspendido ng dalawang laro si Phoenix coach Louie Alas. Hindi tatawag ng 10 playing days si referee Bing Oliva, ang official na nabigong pumito ng foul kay Jones sa ginawa kay Abueva.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?