32
pheonix-suns
Apr 9, 2018 @ 18:45

Phoenix Suns, naiselyo ang NBA’s worst record

Itinanghal na “biggest loser” ang Phoenix Suns sa NBA ngayong taon.

Sa 117-100 pagkatalo nito sa Golden State Warriors nitong Linggo (Lunes, PH time), nakuha ng Suns (20-61) ang “worst record” sa NBA.

May .247 winning percentage ang Suns sa pinale nilang season, ibig sabihin, lumagapak sila sa iba pang nasa laylayang koponan na may winning percentages na .350.

Sumunod sa Phoenix sa pagiging “worst records” ang Memphis Grizzlies, Dallas Mavericks, Atlanta Hawks, Orlando Magic, Sacramento Kings, Chicago Bulls, Brooklyn Nets at New York Knicks sa huling linggo ng regular season.

Dahil nalaglag sa pinakailalim ng standings, malaki ang tsansa ng Suns na makuha ang first pick sa 2018 draft. Tatlong first-round picks ang nakatakda nilang makuha ngayong taon.

Matunog ang pangalan ni center Deandre Ayton sa magagaling na manlalaro na maaaring makuha ng Suns.

Kasama sa hanay ng big-time players na mapagpipilian sa draft sina dating Duke forward Marvin Bagley III at Slovenian guard Luka Doncic, na naglaro sa Real Madrid.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?