12

Oct 17, 2020 @ 15:25
By

Phoenix Suns barado kay Lillard

Kung may balak man ang Phoenix Suns na ligawan si Damian Lillard, dapat ay mahinto na ito agad.

Ito’y matapos na barahin ni Lillard ang isang fan na nagre-recruit sa kanya para sa Arizona-based team.

Hanggang 2024-25 season pa ang kontrata ni Lillard sa Portland Trail Blazers, na walang mintis sa pagpasok sa NBA playoffs.

Habang ang Phoenix naman ay huli pang nakapasok ng postseason noong 2010.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?