75

Phoenix sinilat ang Magnolia sa winning trey ni Wright

Sharing is caring!

Hindi naging maganda ang pagbabalik ni Vernon Macklin sa PBA matapos silatin ng Phoenix ang kanyang bagong koponan, ang Magnolia, 87-89 kanina sa Mall of Asia Arena.

Kumana ang sniper na si Matthew wright ang three-pointer sa pinal na 3.2 seconds para itakas ang panalo kontra Magnolia matapos maghabol ng 16 na puntos sa third canto.

Nagtapos si Wright ng 19 puntos habang ang import nilang si James White ay may 19 puntos at 17 rebounds. Nag-ambag si Willie Wilson ng 17 puntos at siyam na rebounds.

Nagtala naman si Macklin para sa Hotshots ng 25 puntos at 15 rebounds sa kanyang unang laro sa liga sapul noong 2013 finals nang maglaro siya sa Barangay Ginebra.

Mga iskor:

PHOENIX (89) – Wright 19, White 19, Wilson 17, Perkins 16, Chan 6, Jazul 4, Chua 3, Kramer 2, Intal 2, Revilla 1, Mendoza 0, Alolino 0.

MAGNOLIA (87) – Macklin 25, Lee 20, Sangalang 12, Dela Rosa 10, Jalalon 6, Herndon 6, Barroca 5, Simon 2, Brondial 1, Reavis 0, Gamalinda 0, Ramos 0.

Quarterscores: 17-24, 35-45, 63-70, 89-87.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?