126
Phoenix hindi makikialam sa problemang personal ni Abueva
Jul 31, 2019 @ 7:57
By

Phoenix hindi makikialam sa problemang personal ni Abueva

Hindi manghihimasok ang panig ng Phoenix Fuel Masters sa personal na isyu na kinakaharap ngayon ni basketball star Calvin Abueva.

“Usually kasi professional teams don’t meddle naman in the professional affairs ng mga players not unless it’s already affecting their games,” pahayag ni team manager Paolo Bugia sa report ng SPIN.ph.

“And Calvin is suspended indefinitely so hindi namin alam kung kailan talaga siya makakapaglaro.”

Matatandaan na may panibagong kinakaharap ngayon si Abueva nang ilantad ng asawa nitong si Sam ang pang-aabuso umano ni Calvin sa kanilang mag-iina.

“Personal life na nila ‘yan and they used social media to get word out,” saad

nito.

“As of now, hindi po kami nakikialam sa kanila.”

Nakausap na rin nina Bugia at coach Louie Alas si Abueva matapos itong makilahok sa ‘ligang labas’ sa Rizal kahit suspendido ito.

Ayon kay coach Alas, nangailangan raw si Abueva ng pera kaya ito lumaro.

Dagdag pa nito, tumulong na rin ang Phoenix sa financial issues na kinakaharap ni Abueva kahit pa suspendido ito sa PBA.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?