83
Phoenix first time sumampa sa semis
Apr 7, 2019 @ 22:05
By

Phoenix first time sumampa sa semis

Sumilinyador si sophomore Jason Perkins ng career-high 31 points nang bidahan ang Phoenix Pulse sa maagang pagpapabakasyon sa Alaska Milk, 91-76, sa PBA Philippine Cup quartterfinals nitong Linggo ng gabi nsa Mall of Asia Arena sa Pasay.

May rekado pa ang Fil-Am na 9 rebounds at 3 assists para sa patuloy na sobra-sobrang nakakamit ng Fuel Masters na mag-aabang na lang ng karibal sa semifinals sa mananalo sa isa pang Last 8 pairing ng defending champion San Miguel Beer at TNT KaTropa.

Tanging sa unang yugto lamang naging mahigpitan ang laro sa pagkakaroon ng tatlong beses na palitan ng abante at dalawang beses nagtabla ang iskor bago tuluyang nakontrol ng may twice-to-beat na Fuel Masters ang laro tungo sa pagsungkit sa ikalawang silya sa semifinals.

Isang tres ni Calvin Abueva sa ikaapat na yugto ang nagtulak sa Fuelmasters sa pinakamalaki nitong 27 puntos na abante sa 78-51, may 10:02 minuto pa sa laro.

Nalimitahan ng Phoenix sa 14 puntos lamang sa ikatlong yugto ang Aces habang ibinagsak nito ang 25 puntos upang sundan sa next round ang No. 2 Rain or Shine na 91-85 winner sa oening game kontra Mo. 7 NorthPort.

Itinala ng Fuel Masters ang 12-point lead sa pagtatapos ng first half, 47-35, matapos isalpak ang 29 puntos sa ikalawang yugto habang nilimitahan lamang sa 20 ang Aces upang kontrolin ang una na naging mahigpitan at puno ng pisikal na tagpo na dalawang yugto.

Agad na nagtala ng 13 puntos si Perkins upang pamunuan ang top seeded na asam ang una na nakatuntong na rin sa finals sa unang pagkakataon sa pro league.

Ayuda kay Perkis si Matthew Wright ng 14 markers, habang may 12 pts. at 11 boards si Calvin Abueva.

Ang iskor:
Phoenix 91 – Perkins 31, Wright 14, Abueva 12, Jazul 6, Mendoza 6, Chua 6, Revilla 6, Kramer 5, Mallari 2, Marcelo 3, Intal 0, Guevarra 0, Gamboa 0, Napoles 0, Dennison 0.

Alaska 76 – Casio 19, Enciso 15, Teng 12, Banchero 6, Galliguez 6, Cruz 4, Baclao 4, Ayaay 3, Pascual 2, Thoss 2, Exciminiano 2, Racal 1, Babilonia 0.
Quarters: 18-15, 47-35, 72-49, 91-76.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?