53

By

Phoenix coach Alas sa sagutan sa 2 SMB official: Nanguna sila!

Sharing is caring!

Nanaig ang emosyon ng mga opisyal ng Phoenix Fuel Masters at San Miguel Beermen nang makita ang pagkikiskisan nina SMB import Kevin Murphy at Phoenix star Calvin Abueva.

Nagkasagutan sina Phoenix head coach Louie Alas at SMB team governor Robert Non at assistant coach Biboy Ravanes matapos masakal ng Beermen import si Abueva, na ikinagalit ni Alas.

Matapos nito ay minura umano ni Non si Abueva kaya tuluyan nang nagpantig ang tenga ni Alas, na napalaki pa nang biglang umentra si Ravanes.

“Tapos si Biboy, medyo… siguro wala ng kontrata yun para ano, siya na lang daw. Sabi ko sige, okay lang sakin, anytime,” pakli ni Alas.

Nangyari ang sabungan sa 4:11 minuto ng huling canto, lamang ang San Miguel ng 17, 105-88, nang mabitbit sa leeg ni Murphy si Abueva, at tinawagan ang una ng flagrant foul penalty 1.

Ngunit para kina Alas, hindi naman umano dapat palakihin ito lalo’t nagkabati rin sila matapos ang laro.

“That was just Gov’s emotion out there, that’s not like him at all, After the game, he was there and Gov also shook my hand and it just shows that it was just a spur of the moment type of thing,” pakli ng Phoenix coach.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?