65

Dec 21, 2018 @ 21:08

PHLPost lugi ng P1B, nagpapadala ng Xmas card bumababa

Bilyong halaga umano ang nalugi sa Philippine Postal Corporation (PHLPost) mula 2006 hanggang 2011 dahil sa paglaylay ng bilang ng mga nagpapadala ng holiday greetings sa pamamagitan ng snail mail.

Ayon sa report sa 24 Oras, sinabi ni PHLPost Assistant Postmaster General for Marketing and Management Support Services Luis Carlos, malaking factor umano sa pagbaba ng bilang ng nagpapadala ng sulat ang teknolohiya.

Hindi umano tulad noong 1980s at 1990s na dagsa ang Christmas cards at mga sulat sa kanilang opisina pero ngayon umano ay puro mga business letter ang kanilang natatanggap.

Umaasa naman ang PHLPost na tatangkilikin muli ang snail mail ng mga tao.

Sa ngayon ay plano umano nilang maglabas ng commemorative stamps na tampok si Miss Universe 2018 Catriona Gray. (IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?