19
miss-u

PHL, planong mag-host uli ng Miss Universe matapos ang Boracay rehab

Maaaring ilaban muli ng Department of Tourism (DOT) ang pagho-host ng bansa sa 2019 Miss Universe bilang pag-introduce sa Boracay matapos ang anim na buwang rehabilitasyon ng popular na isla.

Ayon sa ulat, sinabi ni Tourism Secretary Wanda Teo na si Pangulong Rodrigo Duterte pa umano ang nagbigay ng idea na maging host ang Boracay sa susunod na taon na Miss Universe para matulungan ang isla na makarekober sa inaasahang pagkawala ng kita nito.

Huling nag-host ang Pilipinas ng Miss U pageant noong 2016.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?