6
football1
By

PHL-Payatas football team biniyayaan ng scholarship

Sharing is caring!

Bigo mang makapag-uwi ng medalya ang PHL-Payatas FC nang matalo sa bronze match kontra England, 0-2, sa Street Child World Cup sa Moscow, Russia kamakalawa, panalo pa rin ang mga batang lumahok dito dahil sa scholarship grant na igagawad ng Kulczyk Foundation sa kanilang pagbalik sa Pilipinas.

Maganda ang naging simula Team Pphilippines nang maitakas ang 1-0 panalo kontra Mauritius sa quarterfinal round ngunit hindi umubra sa semis kaharap ang Brazil, 0-1.

Ang siyam na batang edad 14-17 ay masusing pinili hindi lang para sa kompetisyon kundi para na rin magkaroon ng pagkakataong maranasan ang pagiging bata at makapamasyal sa ibang bansa.

“We’re enjoying our time in Russia, in the hotel, the food, and making friends with all the other countries,” ayon kay coach Ronalyn Lagata, na walang panghihinayang sa naabot ng koponan dahil nakita niya umano kung gaano kapursigido ang mga bata sa bawat laro sa torneo.

“When they’re giving their best, the result is good. No regrets. So they just need to focus on giving their best.” dagdag pa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?