163
pilipinas
By

PHL passport lupaypay pa rin sa world ranking

Bagamat umangat ng dalawang puwesto, nanatili pa rin na kabilang sa mga nasa pinakamababang posisyon ang pasaporte ng Pilipinas sa world passports rankings.

Mula sa dating ika-72 posisyon ay nasa ika-70 puwesto na ang Philippine passport base sa Henley Passport Index na inilabas noon lang nakaraang Martes.

Kasama sa puwesto ng Pilipinas ang Azerbaijan, Dominican Republic at Tunisia.

Ang pag-angat sa puwesto ng pasaporte ng bansa ay dahil nadagdagan ng tatlo ang 63 bansa na maaring mapuntahan ng isang Philippine passport holder ng walang visa.

Ang ranggo sa listahan ng 199 pasaporte ay base sa bilang ng 227 travel destinations sa buong mundo na maaring mapuntahan ng walang visa at passport lang ang kailangan.

Lumabas na ang pasaporte ng Japan ang pinaka-makapangyarihan sa buong mundo dahil maari itong magamit sa 189 destinasyon kahit walang visa.

Sumunod naman ang mga pasaporte ng Germany at Singapore, na maaring magamit sa 188 destinasyon kahit walang visa.

Nasa ikatlong puwesto ang Finland, France, Italy, South Korea, Spain at Sweden na magagamit sa 187 destinasyon.

Samantalang nasa pang-100 o huling puwesto ang Afghanistan at Irag dahil ang kanilang pasaporte at magagamit lang visa-free sa 30 destinasyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?