57

By

PHL ‘open’ sa pagiging negosyador ni Trump sa South China Sea

Sharing is caring!

Nagpasalamat si Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano sa alok ni US President Donald Trump na magsilbing tagapamagitan sa mga bansang nag-aagawan sa South China Sea o West Philippine Sea.

Sinabi ni Cayetano na napakabuti ng alok ni Trump dahil kilala ito na mahusay na tagapamgagitan at master ng kasunduan.

“We thank him for it. It’s a very kind and generous offer because he is a good mediator, he is the master of the art of the deal,” ani Cayetano.

Pero hindi aniya maaring basta payagan ng Pilipinas na maging negosyador si Trump dahil hindi lang ang Pilipinas ang naghahabol sa South China Sea.

Nag-aangkin din sa mayamang teritoryo ang Vietnam, Brunei, Malaysia at Taiwan.

“But of course, the claimant countries have to answer as a group or individually and not one country can just give an instant reply because mediation involves all claimants and non-claimants,” paliwanag ni Cayetano

Ang alok ni trump na maging mediator ay ginawa sa pagdalo niya sa APEC Summit sa Vietnam na mahigpit na kabanggaan ng China sa West Philippine Sea.

Sa ngayon, ayon kay Cayetano, may malaki nang hakbang ukol sa South China Sea dahil maayos ang ugnayan ng Pilipinas at China habang mag-uumpisa na ang negosasyon sa susunod na taon para sa pagbuo ng Code of Conduct na paiiralin sa pinag-aagawang teritoryo.

Idiniin na nananatili ang problema bagaman hindi na kasing tindi gaya ng dati kaya kailangang mag-usap lalo na hindi na makakaya ng bansa at ng buong mundo na magkaroon ng giyera.

“The world cannot afford a bigger war, a new war, not even a cold war. So the Code of Conduct is very important,” dagdag ng kalihim. (Isaac Mendez)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?