22

By

PHL nakiramay sa 200 namatay sa Iraq-Iran quake

Sharing is caring!

Nagpaabot na ang Pilipinas, sa pamamagitan ng Department of Foreign Affairs, ng pakikidalamhati sa Iran at Iraq kaugnay sa magnitude 7.2 earthquake na tumama sa Kurdish regions, na nagresulta sa pagkasawi ng hindi bababa sa 200 katao at pagkakasugat ng mahigit 1,000 pa.

Inihayag ng DFA na ang mga embahada ng bansa sa Baghdad at Tehran ay nagsabi na ng walang Filipino na kabilang sa mga biktima ng lindol.

Base sa ulat mula sa Philippine Embassy sa Baghdad, alas-2:20 ng madaling araw (oras dito sa bansa) kahapon nang yumanig ang lupa malapit sa lungsod ng Halabja sa Iraqi Kurdistan.

Ayon pa kay Charge d’ Affaires Elmer Cato, bahagyang napinsala ang embahada ng Pilipinas sa Baghdad, na 350 kilometro ang layo mula sa Halbja.

Banggit pa nito, 3,000 Filipino sa Kurdistan ang kabilang sa mga libo-libong lumabas sa kalsada dahil sa malakas na pagyanig ng lupa.

May dalawa ng tauhan ng embahada na nakatalaga sa Erbil ang lumabas din ng tinutuluyan nilang hotel. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?