6
alert

PHL naglabas na ng security alert para sa Pinoys sa Syria

Sharing is caring!

Nag-isyu na ang gobyerno ng Pilipinas ng security warning sa may tinatayang 1,000 Filipino workers sa Syria dahil sa nagaganap na missile strikes sa pangunguna ng United States, France, at United Kingdom.

Wala pa naman umanong natatanggap na paghingi ng tulong sa Embahada ng Pilipinas mula sa 500 na Pinoy sa Damascus at 500 pa sa ibang bahagi ng Syria, ayon kay Foreign Affairs Assistant Secretary Elmer Cato.

Nagsimula ang pambobomba sa Syria ng alas-kuwatro ng madaling-araw bilang tugon umano sa paggamit ng chemical weapons ng nasabing bansa.

Inaabisuhan naman ang mga Pinoy sa naturang bansa na manatili sa loob ng bahay at maging mapagmatyag.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?