16

By

PHL, Kuwait magkakasundo bago ang Ramadan – Bello

Sharing is caring!

Sa isinusulong na memorandum of understanding sa pagitan ng Pilipinas at Kuwait, dalawa ang posibleng mangyari, ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III.

Una, ayon kay Bello, maaaring magtungo sa Kuwait si Pangulong Rodrigo Duterte para siya mismo ang pumirma sa kasunduan o umakto lang itong saksi.

Sinabi pa ni Bello na ang ikalawang maaaring mangyari, ay pirmahan na ngayong Abril ang kasunduan para hindi na ito umabot pa ng Ramadan, na magsisimula sa Mayo.

Aniya, kapag Ramadan ay malabong pumayag ang mga opisyal ng Kuwait na magkaroon ng pirmahan.

Giit pa ni Bello, plantsado na ang nilalaman ng kasunduan at hinihintay na lang ang pag-apruba ni Pangulong Duterte.

Noong Pebrero, ipinag-utos ng Punong Ehekutibo ang pagpapatupad ng deployment ban sa Kuwait sa sobrang galit nito nang malaman ang mga insidente ng pang-aabuso sa OFWs at brutal na pagpatay kay Joanna Demafelis.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?