57

Nov 4, 2017 @ 11:58

PHL kulelat sa internet speed, 4G access

Nananatili pa ring nasa dulo ng world ranking ang Pilipinas kung ang pag-uusapan ay tungkiol sa 4G services, ayon sa mobile industry analyst OpenSignal.

Sa kanilang annual “State of LTE” report, lumabas na ika-69 ang ranggo Pilipinas sa 76 bansa na isinama sa pagsusuri.

Ang connectivity ng Pilipinas gamit ang 4G technology ay 8.24 Mbps ngayong 2017 mula sa dating 7.27 Mbps in 2016, subalit nanatili pa ring isa sa pinakamabagal sa mundo.

Halos 58.83% lamang ng oras ang nailaan ng bawat Pinoy sa kanilang 4G internet ngayong taon kumpara sa dating 44.80% noong 2016 dahil nga sa kahinaan ng signal nito.

Sa LTE connection naman, pang-74 ang ranggo ng Pilipinas sa average speed na 8.24 Mbps, mas mababa ng konti noong nagdaang tao na may average 8.59 Mbps lamang.

Malayong-malayo ito sa Singapore na naitalang may pinakamabilis na internet sa 4G technology na may bilis na 46.64 Mbps.

Ang South Korea naman ang nangungunang bansa kung saan ang 4G connectivity ay 96.69%.

Ang fourth-generation mobile internet (4G) ay ang standard mobile network connectivity to date, habang ang LTE (long-term evolution) ay fastest type ng 4G internet technology.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?