6

By

PHL kopo ang baseball title vs HK

Sharing is caring!

PASABOG ng apat na run sa second inning at pinagpag ng Philippines ang huling hirit ng punong abalang Hong Kong para maikasa ang 7-5 win, makipkip ang trono sa pagwalis sa wakas kamakalawa ng XII BFA East Asia Baseball Cup 2018 sa Sai Tso Wan Receration Ground sa Kowloon, Hong Kong.

Tungo sa tagumpay, naitakbo ng Filipino batters ang 5-2 desisyon kontra Indonesia noong Miyerkoles, ginarote ang Singapore noong Martes, 12-1, at nakaeskapo sa Thailand noong Lunes, 10-6, sa limang bansa, limang araw na paluan na nagbukas noong Hunyo 24.

Sulong na rin ang Phl IX sa mas mataas na antas na 29th Asian Men’s Baseball Championship 2018 sa HK ulit, ang Final Qualification event ng 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan kabanggaan ang mga seeded na at astig na Chinese Taipei, Japan, Korea at China.

Makaraan ang 1-1 standoff sa first frame, naigiit ng mga Pinoy ang tikas sa second bottom kung saan naka-homeruns sina Erwin Bosito, Jennald Pareja at Adriane Bernardo, at isa pa si Pareja na nagpalambot sa host squad.

May dalawa pang run ang Nationals sa top eighth galing kina Bosito at Juan Alvaro Macasaet sa pagsandal sa throwing error at wild pitch ng HK catcher, ayon sa pagkakasunod na nagpalayo sa bansa sa 7-1.

Pinutong kay Francis Michael Gesmundo ang MVP honors sa pagkarga sa mga Pinoy para sa individual awards.

Nahirang na Best Pitcher at Best Win-Loss Average si Jon-jon Robles, Best catcher si Mark Steven Manaig, Best Third baseman si Macasaet, at Best Shorstop si Bernardo bukod pa sa pagpasok All-Star Team, at si Bosito ang nagawaran ng Most Stolen Bases. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?