Abante-VisMin-Radar-air-pollution
By

PHL, ikalawa sa may pinakamaraming namatay dahil sa air pollution

Sharing is caring!

Pumapangalawa ang Pilipinas sa mga bansa sa Asia-Pacific Region na may mataas na bilang ng mga namatay dahil sa polusyon sa hangin.

Base ito sa ulat ng World Health Organization (WHO), na siyam sa bawat 10 tao sa mundo ay madumi ang hangin na nalalanghap.

Nabanggit din sa ulat na ang maduming hangin ay nagiging sanhi ng iba’t ibang sakit tulad ng chronic obstructive pulmonary disease, lung cancer, pneumonia at stroke.

Lumabas din na ang air pollution ay nagdulot ng kamatayan ng 4.2 milyong katao noong 2016 at 3.8 milyon dito ay bunga ng polusyon sa pagluluto sa mga bahay.

Higit pa sa 90 porsiyento ng mga pagkamatay na idinidikit sa polusyon sa hangin ay naitala sa Asia at Africa, kasunod sa Eastern Mediterranean, Europe at Amerika.

Samantala, ang mga pangunahing nagpapadumi sa hangin ay ang maling paggamit ng enerhiya sa bahay, mga pabrika o pagawaan, agrikultura, sasakyan at coal-fired power plants.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?