By

PHL hindi pa apektado ng US-China trade war – DOF

Sharing is caring!

Mistulang may panangga ang Pilipinas kaya’t hindi pa naaapektuhan ng lumalalang tensiyon sa pagitan ng US at China.

Ito ang sinabi ni Finance Secretary Carlos Dominguez III sa katuwiran na lumalago pa rin ang merkado sa Pilipinas dahil ito ay lokal na maituturing at hindi tayo umaasa sa import at export tradings.

Gayunpaman, sinabi pa rin ni Dominguez na may posibilidad na maapektuhan ang Pilipinas kapag lumala pa ang tensiyon sa pagitan ng dalawang higanteng ekonomiya.

Una nang nagbanta si US President Donald Trump na magtatakda ng taripa sa mga produktong mula China at gumanti naman ang Beijing at naglabas pa ito ng halaga ng taripa.

Ngunit tila lumambot naman agad si Chinese President Xi Jinping at sinabi na bukas pa rin sa mundo ang kanilang ekonomiya at babawasan pa ang taripa sa mga produktong imported.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?