41

PHL gov’t, FB sanib puwersa para sa mabilis na internet

Sharing is caring!

Nagsanib ang gobyerno at Facebook para magbuo ng “ultra high-speed” broadband infrastructure na magpapabilis ng internet sa bansa murang halaga pagsapit ng 2019.

Sa isang kasunduan, ang Facebook ang magtatayo ng submarine cable system mula Baler, Aurora patungo sa Poro Point sa San Fernando, La Union.

Ang cable system ang magbibigay ng direct connections mula Luzon patungo sa internet hubs sa United States at Asya.

Sa parte ng Bases Convertion Development Authority (BCDA), sila ang magtatayo ng Luzon Bypass Infrastructure, na kinabibilangan ng dalawang landing stations na magkokonek sa 250-kilometrong cable network corridor.

Kapalit nang pagggamit ng bypass infrastructure, ang Facebook naman ang magbibigay sa gobyerno ng spectrum na katumbas na 2 milyong MBPS o 2 terabytes.

Ayon kay DICT Officer-in-Charge Secretary Eliseo Rio, pina-finalize na nila ang eksaktong halaga ng proyekto kung saan tinatayang aabot sa P975 milyon ang gagastusin ng pamahalaan para sa dalawang landing stations at repeater stations

Ang konstruksiyon ng mga istasyong ito ay daan sa bidding.

Ang DICT ang mag-o-operate at magmimintena sa Luzon Bypas Infrastructure sa 25 taon.

“This two terabyte spectrum is almost equal to the current combined capacity of Globe and Smart/PLDT,” sabi ni Rio.

Ang Globe at Smart ay may pinagsamang 2.6 million mbps sa kasalukuyan.

Nilinaw naman ni Rio na ang gobyerno ay hindi magiging pangatlong telco plater sa bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?