25
Luis-Antonio-Cardinal-Tagle
By

PHL, dumaranas na ng krisis ng katotohanan – Tagle

Sharing is caring!

Inihayag ni Manila Archbishop Cardinal Luis Antonio Tagle na sa gitna ng patuloy umanong paglaganap ng fake news at magkakaibang mga interpretasyon ng batas ay nahaharap ang Pilipinas sa krisis.

Ito umano ay ang krisis ng katotohanan.

Aniya, ang krisis ng katotohanan ay nagpunla na umano ng binhi ng pagkakahati-hati at kawalan ng tiwala na pinalala pa ng partisan politics.

At ang una umanong biktima ng krisis na ito ay ang kabutihan ng nakararami.

Ginawa ni Tagle ang pahayag sa kanyang circular letter kung saan hinimok niya ang mga mananampalataya at mga simbahan na nasa ilalim ng Archdiocese of Manila na magdasal sa loob ng 12 araw simula sa Pentecost Sunday sa May 20 hanggang sa Mayo 31 tuwing alas-tres ng hapon.

Hinimok din ng kardinal na sa loob ng nasabing panahon ay patunugin ang kampana ng simbahan tuwing alas-tres ng hapon bilang paggunita sa Kamatayan ni Hesus.

Aniya, ang pagdarasal ay dapat din umanong sabayan ng pag-aayuno.

Hinikayat din ng Kardinal ang pag-oorganisa ng mga study session kaugnay sa Saligang Batas, Charter change, pederalismo at iba pa katuwang ang mga abogado, law students at law professors.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?