ABANTE-TNT-phl-chess
By

PHL chess tumaktak ng gold sa 18th ASEAN Age Group chess

Sharing is caring!

Humakot sina Kaye Lalaine Regidor at Ruelle Canino ng tig-anim na gold medals each upang ipagpatuloy ang dominasyon ng Pilipinas sa 18th Association of Southeast Asian Nation Age Group Chess Championship sa Kuantan, Pahang, Malaysia kahapon.

Humablot sina Regidor at Canino ng tig dalawang golds sa standard events bagi sumikwat ginto sa individual rapid at blitz sa girls’ eight-under at 10-under division ayon sa pagkakasunod.

Nakapag-uwi ng 58 gold medals ang Filipinos, 40 ay galing sa huling tatlong araw ng rapid at blitz actions.

Kumalawit si Jerlyn San Diego ng limang gold medals sa U-12.

Tabla ang laro nina San Diego at Sebastian kina Malaysians Zhiwei Ong at Desirra Pereira ayon sa pagkakasunod upang ilista ang 1-2 ng Philippines tangan ang tig walong puntos

Nag-uwi rin sina Marawi whiz kid Al Basher Buto ng rapid gold, matapos manaig sa standard.

Sinamantala ng Pilipinas ang kaunting entry ng kapwa regional powerhouse Vietnam upang mamulot ng medalya sa nasabing tournament. (Elech Dawa)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?