34
duno
By

PHL bets Duno, Perez sasagupa sa California

Sasagupain ni Pinoy heavy hitter Romero Duno (16-1, 14 KOs) si Mexican Gilberto Gonzales (26-4, 22 KOs) sa 10-round boxing event sa Fantasy Springs Resort Casino, Indio, California sa Mayo 17.

Isang buwan nang todo-ensayo sa Amerika ang tubong Tagum na si Duno sa asam na magkaroon ng tsansa sa world title fight ngayong taon.

“If they give me that fight (world title), I’ll make sure to them that I fight to the death to get that belt,” ayon sa 22-anyos, na umentra sa bakuran ng Golden Boy Promotions noong Marso 2017.

Makikipagtuos din si Pinoy fighter Rey Perez (22-9, 6 KOs) laban sa wala pang talong Mehikano na si Oscar Duarte (13-0, 9 KOs) sa 10-round lightweight bout.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?