7

By

PHL 9 ginarote ang Singapore

Sharing is caring!

Mabangis ang simula ng defending champion Philippine National Men’s Baseball Team, nagposte agad ng 11-0 abante, tungo sa paspasang paggarote sa Singapore via 12-1 win sa pagpapatuloy noong Martes ng Baseball Federation of Asia 12th East Asian Baseball Cup 2018 sa Sai Tso Wan Recreation Ground Baseball Field sa Kowloon, Hong Kong.

Galing sa come-from-behind 10-6 victory noong Lunes kontra world No. 56 Thailand, may 2-0 win-loss record na ang world No. 36 Filipino batters sa limang bansa, limang araw na torneo na rorolyo na ngayon (Hunyo 28). Lagpak ang world No. 67 Singaporeans sa 0-2.

Nakatakdang makalaban kahapon ng Nationals sa finals ang world No. 42 Indonesia sa 2015 title rematch nila sa Kuala Lumpur na natapos sa 10-0 para sa sixth straight ‘W’ at sweep ng mga Pinoy nang taong iyon sa torneo.

“Gusto lang naming tiyakin na masasabi namin sa mga kalaban na handa kami. Kaya naming manalo kung gugustuhin, at bibigyan namin sila nang matinding laban,” bigkas ni shortstop at team skipper Aids Bernardino. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?