282

By

Philtranco bus, nahulog sa tulay sa Tanauan, Leyte, 3 patay

Sharing is caring!

Isang bus ng Philtranco ang nahulog sa isang ginagawang tulay sa Barangay Buntay Tanaunan, Leyte.

Ayon kay Chief Inspector Francisco Tupaz Jr., hepe ng Tanauan Police, ang bus na galing ng Maynila at papunta sana sa Surigao ay may sakay na 48 pasahero.

Base sa inisyal na impormasyon, tatlo sa pasahero ang kumpirmadong namatay sa insidente.

Dinala na ang mga sugatan sa Leyte Provincial Hospital at Eastern Visayas Regional Medical Center.

Nasa kustodiya na ng Tanauan Police ang driver at karelyebo nito at inaalam na ang dahilan ng aksidente.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?