106
Phillips 5 linggo pa bago makapalo
Feb 13, 2019 @ 16:50
By ,

Phillips 5 linggo pa bago makapalo

Bagaman wala ang pangalan sa final roster ng Sta. Lucia Lady Realtors si MJ Phillips, siniguro ng head coach ng tropa na si Babes Castillo na makakapaglaro na ito ngayon sa Philippine Superliga Grand Prix 2019.

Sa balitang inilabas ng Volleyverse.com, sinabi ni Castillo na may limang linggo pa si Phillips para magpagaling at magpalakas at nasa reserved list din ito ng tropa.

“She has, to date, another five weeks of recovery. MJ will be seeing action this Grand Prix 2019. She is in the reserve list and will be ready to be moved up approximately on March 12,” sabi ni Castillo.

Matatandaan na isa sa mga pangit na season ng Lady Realtors ang All-Filipino Conference dahil wala itong pinanalo ni-isang laro sa nasabing conference.

Balik sa tropa sina Rubie de Leon, Micmic Laborte, Souzan Raslan, Pamela Lastimosa at Jhoana Maraguinot.

Bukod sa kanila tinapik din ng Lady Realtors ang American imports na sina Casey Schoenlein at Molly Lohman, Amanda Villanueva, Andrea Marzan, Jhan Marano, Rio Lo, Rachel Austero at Juliet Catindig.

Susubukan ng Sta. Lucia na makabalik ngayong 2019 season sa unang pagharap nito kontra Generika Ayala Lifesavers sa pagbubukas ng liga sa Pebrero 16.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?