83
Philippines gustong palitan ng Maharlika ni Duterte
By

Philippines gustong palitan ng Maharlika ni Duterte

Sharing is caring!

Pinaboran ni Pangulong Rodrigo Duterte ang plano noon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos na palitan ang pangalan ng bansa ng “Maharlika”.

Ang Philippines ay isinunod sa pangalan ni Spanish monarch Philip II.

Dating nasa ilalim ng mga Espanyol ang arkipelago ng ilang dekada hanggang naging US colony taong 1898.

“Philippines because it was discovered by Magellan using the money of King Philip. Kaya pagdating ng ulol ginawang Philippines. Pero okay na ‘yan, balang araw palitan natin,” ani Duterte sa pagsasalita sa Buluan, Maguindanao.

“Actually, tama si Marcos. Panahon ni Marcos, tama talaga si Marcos. Gusto niya palitan [ng] Maharlika, the Republic of Maharlika because maharlika is a Malay word and it means more of a concept of serenity and peace,” dagdag pa ng Pangulo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?